Tungkol sa pelikula Heneral Luna

Acabando el año académico 2016-2017, comparto con ustedes las (breves) impresiones que de la película filipina Heneral Luna escribí para mi curso de filipino/tagalo avanzado. ¡Espero que para febrero o marzo 2018, cuando ya habré pasado como medio año en las Filipinas haciendo trabajo de archivo, me sea posible escribir de manera más compleja!

 

Isang pelikula ng digmaan at kasaysayan ang Heneral Luna, at inilarawan niya ang buhay at karanasan ni Antonio Luna, isang heneral na Pilipino sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Sa pelikulang ito, nakikita natin kung paano si Heneral Luna ay namuno ng hukbong Pilipino laban sa mga Amerikano. Sobrang malupit siya, at maraming tao ay tumawag sa kanya bilang “Heneral Artikulo Uno”, dahil na kaugalian niya na ipanawagan ang unang artikulo ng regulasyon ng hukbo na sinasabing: kung ang isang tao ay hindi sumunod sa mga utos ng komandante heneral (si Antonio Luna), siya ay papatayin. Walang awa si Heneral Luna, sapagkat gusto niyang talunin ang mga Amerikano at makamit ang kalayaan para sa Pilipinas. Nagdudulot ang katangian niya ng mga problema: kinasuklaman siya ng maraming Pilipino, at sa wakas, pinatay nila siya.

Ang Kamatayan ni Heneral Luna ay problema para sa pagsisikap na digmaang Pilipino, ngunit sa totoo lang, may maraming problemang estruktural para sa Pilipinas. Para sa malaking bahagi ng Pilipinong aristokrasya, ang mga prayle ang problema. Noong ipinakita ng mga Amerikano na aalisin nila ang kapangyarihan ng mga prayle, hindi pa gusto ng aristokrasya labanan ang Estados Unidos. Sa pelikula, makikita natin kung paano nag-usap ang mga Pilipinong aristokratiko tungkol sa mga negosyo nila, at kung paano dadalhin ng kapangyarihang Amerikano ang mga benepisyo para sa kanila. Ito ang karaniwang sitwasyon sa bansa na may malaking pagkakaiba ng yaman. Kailangan natin ayusin ang mga problemang ito, upang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat bansa.

May maraming mabuting eksena sa pelikula, halimbawa ang mga eksena ng labanan – sapat na kahanga-hanga sila. Ngunit, para sa akin, ang pagkakasunud-sunod tungkol sa mga Ilustrado sa Europa ay ang mas magandang eksena ng pelikula. Halos walang hiwa, inilirawan nitong eksena ang buhay ng mga Ilustrado: ang diyaryo La Solidaridad, ang mga nobela ni José Rizal at pagbitay sa kanya, ang mga kuwadro ni Juan Luna, at iba pa. Sobrang mapanglaw ang eksenang ito, kasi alam natin na hindi nagtagumpay ang proyekto ng pagbabagong Pilipino, atsaka ang digmaan laban sa mga Amerikano ay bumagsak din. Ngunit umaasa pa rin si Antonio Luna na matatalo niya ang mga Amerikano at ipinakita ang determinasyon niyang magtagumpay.

Puntuación: 5 / Votos: 2

Jorge Bayona

Jorge Bayona es candidato doctoral en Historia en la Universidad de Washington (Seattle), Magíster en Historia por la misma universidad y Bachiller en Humanidades con mención en Historia por la Pontificia Universidad Católica del Perú (Lima). Actualmente es docente en la Universidad del Pacífico y ha sido docente en la Universidad de Washington y la Universidad Peruana de Ciencias Aplicadas. Sus áreas de especialización son el Sudeste Asiático, América Latina y el mundo del Pacífico.

Deja un comentario

Tu dirección de correo electrónico no será publicada. Los campos obligatorios están marcados con *